Voices of the OFW : Eliminate GAMCA Decking System
Sa loob ng siyam na taon, ang karapatan na mamili ng medical clinic na kung saan magpapasuri ang mga Pinoy na gustong magtrabaho sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Kuwait, Bahrain, Oman at Qatar (mga bansang bumubuo sa GCC - Gulf Cooperating Countries) ay tinanggal at pinagharian ng GAMCA (GCC Approved Medical Centers Association). Sila ang nagdidikta kung saan puedeng kumuha ng kanilang medical examinations ang mga Pilipinong manggagawang patungo sa mga bansang nabanggit. Sa loob ng siyam na taon, nakailang palit na ng DOH Secretaries at nakailang labas na rin ang bawat isa sa kanila ng kautusan na tigilan na ang Decking System ng GAMCA pero heto, tuloy pa din ang pagbabalewala ng isang pribadong organisasyong ito ng mangilan-ngilang medical clinics. Sa loob ng siyam na taon, ang boses ng iilan ay nangibabaw. Panahon na para naman pakinggan ang boses ng mga milyon-milyong manggawang Pilipino sa ibang bansa at ang kanilang mga kamag-anak. Sama-sama nating ihatid sa mga kinauukulan ang ating pinagsama-samang boses na AYAW NA NATIN SA GAMCA REFERRAL DECKING SYSTEM.
Comment