Pahintulutan ang paglalaro ng volleyball o anupamang sports sa mga "multi-purpose" courts ng Barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal.
Kamakialan, pinahintulutan ng mga katiwala sa pagbabantay ng mga "multi-purpose" courts sa Barangay Sto. Domingo, Cainta Rizal ang paglalaro ng Volleyball sa mga kabataan at residente sa nasasakupan sa walang ipinahayag na kadahilanan.
Ipinaayos at pininturahan ng mga linya ang mga court ngunit hindi nila isinama ang paglagay ng volleyball lines na isa rin sa mga nilalaro ng mga kabataan at residente sng barangay at mga subdivisions nito.
Malinaw na isa itong hindi direktang diskriminasyon sapagkat sila ay lumikha ng panuntunan na angkop para sa lahat subalit hindi negatibong makakaapekto sa ibang manlalarong hindi marunong maglaro ng basketball o sa kabataang ang hilig ay maglaro ng ibang pang sports maliban sa basketball.
Kami ay kumakatok sa iyong puso at paguunawa para suportahan kami upang alisin ang desisyon na hindi pahintulutan ang mga kabataan, mga residente o mga bisita na maglaro ng Volleyball at sa halip ay hikayatin ang kanilang mga nasasakupan maglaro ng anumang sports maliban sa basketball. Gayundin, lumikha ng mga linya ng volleyball, ng badminton o ng iba pang uri ng sports sa lahat ng courts upang mag-udyok sa lahat na mag bola, wag droga!
Comment