ITIGIL ANG PANININGIL NG BANSUD BEmONC NG P3600
Jasmine Santiago 0

ITIGIL ANG PANININGIL NG BANSUD BEmONC NG P3600

18 people have signed this petition. Add your name now!
Jasmine Santiago 0 Comments
18 people have signed. Add your voice!
1%
Maxine K. signed just now
Adam B. signed just now

155472964605974.jpg?r=0.6276091070123595
PETISYONG-BAYAN: KALUSUGANG-BAYAN AY SERBISYO, HUWAG GAWING NEGOSYO!
Marso 14, 2013

Sangguniang-Panlalawigan
Lalawigan ng Silangang Mindoro
Calapan City
 
Mga Kinauukulan,

KAMI, mga mamamayan ng Bansud, mga indibidwal na kababaihan, magsasaka, mangingisda, katutubo, organisasyong multisektoral, taong simbahan, negosyante, at naliliwanagang opisyal ng gubyerno, ay lubos na naniniwala sa mga sumusunod na batayang prinsipyo: Ang BEmONC ay pambansang programa ng Department of Health (DOH). Layunin nitong mabawasan ang panganib at mortalidad sa panganganak ng mga ina at kumplikasyon sa mga bagong silang na sangol. Ito ang batayang pasilidad pangkalusugan para sa mga kababaihan, bata at pamilya sa bawat munisipalidad at barangay sa buong bansa; at Ang pagtugon sa kalusugan ng mamamayan ay SERBISYO, HINDI NEGOSYO. Tungkulin ng pamahalaan ang pagbibigay ng pantay at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat; Ang karapatan sa kalusugan ay pundamental na karapatang-pantao ng bawat mamamayan. BATAY DITO, kaming mga Bansudeño ay iginigiit ang mga sumusunod na 4 NA KAHILINGAN: 1. ITIGIL ANG PANININGIL NG BANSUD BEmONC NG P3, 600 SA BAWAT PASYENTE: Ang Bansud BEmONC ay pampublikong pasilidad pangkalusugan. Ang halagang P3, 600 na singil sa bawat pasyente, kapalit ng mababang kalidad ng serbisyo nito ay labis, lagpas sa kakayanan at hindi makatarungan para sa katulad naming nakararaming maralita. Liban dito, ang bayad-serbisyo ng mga pasyente sa Bansud BEmONC ay wala ding kaukulang opisyal na resibo. Ang ANOMALYA sa kawalan ng opisyal na resibo ay simula pa nang maitayo ang BEmONC noong 2008. Pandarambong sa pondong publiko ang katumbas nito. Ang iregularidad na ito ay tahasang paglabag sa Presidential Decree 1445 (Government Auditing Code of the Phlippines): Section 68. Issuance of Official receipt. 1. No payment of any nature shall be received by a collecting officer without immediately issuing an official receipt in acknowledgment thereof. The receipt may be in the form of postage, internal revenue or documentary stamps and the like, or officially numbered receipts, subject to proper custody, accountability, and audit. 2. IPAWALANG-BISA ANG MUNICIPAL ORDINANCE No. 027 S. 2011: Sa halip na gamitin ang BEmONC bilang oportunidad na magserbisyo, kabaliktaran ang ginawa ni Meyor Morada. Ginawang NEGOSYO ni Morada ang mga serbisyo sa BEmONC, sa pamamagitan ng isang ordinansang di-dumaan sa masusing public hearing – arbitraryo nitong itinakda ang P3, 600 na singilin sa bawat pasyenteng maralita. Ang BEmONC program ng DOH ay abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa maralita. Tinalikuran at inabandona ng kasalukuyang administrasyon ni Morada ang tungkulin nitong tugunan ang abot-kayang serbisyong pangkalusugan ng mga maralita at mamamayan. Ang esensiya ng naturang ordinansa ay kontra-maralita, DAPAT IPAWALANG-BISA AT IBASURA! 3. ISAPUBLIKO ANG REKORD NG MULTI-MILYONG PISONG KOLEKSIYON NG BEmONC MULA 2008- 2013: Alinsunod sa mga alituntunin ng TRANSPARENCY, ACCOUNTABILITY at FULL DISCLOSURE POLICY, nararapat maagap at regular na ipakita sa publiko ang audited report ng multi-milyong Pisong nakolekta ng BEmONC sa maralita at mamamayan – ang pondo ng BEmONC ay pondong publiko. Batay sa R.A.7160: “Section 352, Local Government Code of 1991 requires the posting within 30 days from the end of each fiscal year in at least three (3) publicly accessible and conspicuous places in the local government unit a summary of all revenues collected and funds received including the appropriations and disbursements of such funds during the preceding year”. 4. MAGBITIW SA TUNGKULIN SINA DR. MARIO ORNEDO SALES (hepe ng ospital) at JOSIE MORADA (BEmONC program coordinator): Walang tunay na malasakit sina Dr. Sales at Josie Morada. Pareho silang di seryoso sa tunay na diwa ng pagbibigay ng serbisyo sa pampublikong kalusugan. Pareho silang hindi mapagkakatiwalaan para pangalagaan ang pondo ng bayan. Hindi karapatdapat manatili sa tungkulin si Dr. Sales at Josie Morada. Si Josie Morada bilang BEmONC program coordinator ay abusado at di-makatao. Ang mga pasyenteng hindi makabayad ng halagang P3,600 o kulang ang kanilang pambayad, ay ginagawa nitong alipin ang mga pasyente, lalo na ang mga kapatid na katutubo. Maghapon silang nag-gagamas ng damo sa harap at paligid ng kanyang bahay. Si Dr. Sales at Josie Morada ay patuloy na nilalabag ang buong probisyon ng Republic Act No. 6713 – “The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees."

Kampanya Laban sa BEmONC P3,600, inilunsad!
---------------------------------------------
May kopya:

Sangguniang-Bayan
Bansud, Silangang Mindoro

Bansud BEmONC
Bansud, Silangang Mindoro

Secretary Enrique T. Ona
DEPARTMENT OF HEALTH (DOH)
San Lazaro Compound, Sta Cruz, Manila
E-mail: etona@co.doh.gov.ph

Secretary Mar Roxas
Department of the Interior and Local Government (DILG)
A. Francisco Gold Condominium II,
EDSA cor. Mapagmahal Street, Diliman, Quezon City
Email:  mar@marroxas.com; marroxas@dilg.gov.ph
Tel. No. 925-0330 / 925-0331; Fax No. 925-0332

Hon. Conchita Carpio Morales
Office of the Ombudsman
Ombudsman Building
Agham Road, North Triangle
Diliman, Quezon City 1101
Tel. No. (+632) 479-7300


Sponsor

Social Media for the People

Links

Share for Success

Comment

18

Signatures